Wednesday, May 6, 2026

TATLO, TIMBOG SA SUNOD-SUNOD NA BUY-BUST SA URDANETA AT CALASIAO; MAHIGIT ₱110K HALAGA NG SHABU, NASABAT

Arestado ang tatlong hinihinalang sangkot sa droga sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa Urdaneta City at Calasiao mula Mayo 5 hanggang madaling-araw ng Mayo 6, 2026.

Sa ulat ng Urdaneta City Police Station, isang 32-anyos na tricycle driver ang naaresto sa buy-bust operation noong Mayo 5, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.

Narekober mula sa suspek ang dalawang heat-sealed plastic sachet na may tinatayang 5 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng ₱34,000. Nakuha rin ang buy-bust money, boodle money, isang cellphone, coin purse, at mga personal na ID.

Samantala, dalawang lalaki naman ang nasakote sa hiwalay na operasyon ng pulisya sa Calasiao madaling-araw ng Mayo 6.

Ayon sa pulisya, kinilala ang mga suspek na isang 28-anyos residente ng Brgy. San Miguel at isang 41-anyos na driver at residente ng Brgy, Nagsaing.

Sa naturang operasyon, nasamsam ang 11.22 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱76,296, na nakalagay sa apat na sachet.

Narekober din ang buy-bust money at isang motorsiklo na may sidecar na umano’y ginamit sa transaksyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments