Tatlong indibdwal, arestado sa iligal na pagsusugal sa Paco, Maynila

Kalaboso amg tatlong indibidwal na kinabibilangan ng isang babae matapos ikasa ng mga pulis ang Anti-Illegal Gambling Operation sa Paco, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Lawrence Buendicho, Richard PerpiƱan at Elena Cruz.

Naaktuhan ang tatlo na nagkakara-krus sa 3rd St., Fabie Estate sa mismong tapat ng bahay nina PerpiƱan at Cruz.


Susubukan pa sana ng tatlo na tumakbo pero nakorner na sila ng mga pulis.

Nakumspiska sa kanila ang tatlong barya na ginagamit sa sugal at pera na aabot sa P250.

Muling paalala ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na mahigpit na ipinagbabawal ang lahat ng iligal na sugal sa lungsod kung saan nanawagan sila sa publiko na i-report sa kanila kung may mga indibidwal na gumagawa nito.

Facebook Comments