Muling umingay ang isyu ng pagbaha sa Sitio Bangusville, Bonuan Gueset matapos magsagawa ng dayalogo ang lokal na pamahalaan kasama ang mga residente kaugnay ng planong pagsasaayos ng daluyan ng tubig sa lugar.
Ayon sa mga residente, matagal nang suliranin ang pagbaha na patuloy na nakakaapekto sa kanilang kabuhayan at kaligtasan, lalo na tuwing malakas ang ulan.
Inilahad ng pamahalaang lungsod na isasailalim sa masusing pagsusuri ang drainage system sa tulong ng City Engineering Office na, upang matukoy ang pangmatagalang solusyon sa problema.
Ang usapin ay iniakyat sa lungsod upang bigyang prayoridad, habang dumalo rin sa dayalogo ang ilang miyembro ng barangay council at sektor ng komunidad.
Gayunman, nananatiling hamon kung gaano kabilis maisasakatuparan ang proyekto at kung sapat ang mga hakbang upang tuluyang maresolba ang paulit-ulit na pagbaha sa lugar.
Sa ngayon, umaasa ang mga residente na hindi lamang mauuwi sa plano ang dayalogo, kundi magreresulta sa konkretong aksiyon mula sa pamahalaan.







