
Hindi nakikita ng Palasyo na makakaapekto sa remittances ng overseas Filipino workers (OFW) ang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Batay sa impormasyon mula kay Department of Finance (DOF) Undersecretary Maria Lualhati Tiuseco, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, na noong 2024, .03 percent lang ng kabuuang OFW remittances ang nanggagaling sa Israel at Iran.
Pero ayon kay Castro, nagbabala si Tiuseco na kung lalala ang gulo at madadamay ang iba pang parte ng Middle East ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa overall remittances ng OFWs.
Nabatid na aabot sa halos 30,000 ang mga Pilipino sa Israel, na karamihan ay caregivers, habang nasa higit 1,000 Pinoy naman ang nasa Iran.
Facebook Comments