Kamara, nilinaw na hindi tinanggihan ang entry of appearance ng defense team ni VP Duterte

Nillinaw ni House of Representatives Spokesperson Atty. Princess Abante na hindi tinanggihan ng Kamara ang mga dokumento o tender copy ng entry of appearance sa Senate Impeachment Court ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ni Abante, sinunod lamang ng Kamara ang tamang proseso, walang masamang intensyon at hinanap lamang ang tamang pagkilala sa dokumento na inihatid ng isang mensahero sa gate ng Kamara noong June 16.

Ayon kay Abante, hindi malinaw kung saan nanggaling at anong klase ang naturang dokumento dahil walang cover letter at pormal na paliwanag kaya hindi agad tinanggap.

Diin ni Abane ang entry of appearance ay hindi requirement para umusad ang impeachment trial kaya wala itong epekto sa takbo ng paglilitis at higit sa lahat hindi ito ang dahilan kung bakit wala pang trial hanggang sa ngayon.

Bunsod nito ay nakikiusap si Abante sa tagapagsalita ng Senado na huwag sanang lituhin ang publiko at huwag gawing dahilan ang isang clerical detail para ipasa ang sisi sa Kamara sa pagka-delay ng impeachment trial.

Facebook Comments