TIG-₱20,000 SCHOLARSHIP GRANT MULA SA PBBM PROGRAM, NAIBIGAY NA SA LIMANG ESTUDYANTE BAWAT BARANGAY SA SANTO TOMAS

Naibigay at tinanggap na ang tig-₱20,000 scholarship grant ng limang fourth-year college students sa bawat barangay sa Santo Tomas, Pangasinan sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang (BBM) Program.

Sa kabuuan, ₱100,000 ang nakalaang scholarship fund kada barangay para sa limang benepisyaryo.

Bahagi ito ng ₱200,000 na alokasyon sa ilalim ng programa ng Office of the President, na ipinatutupad sa pamamagitan ng Liga ng mga Barangay–Santo Tomas Chapter.

Bukod sa scholarship, nakalaan din ang natitirang ₱100,000 kada barangay para sa mga prayoridad na pangangailangan nito.

Dumalo sa pamamahagi si Mayor Dickerson D. Villar, Vice Mayor Timoteo S. Villar III, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Local Government Operations Officer at mga opisyal ng barangay ang pamamahagi ng mga tseke sa mga estudyante. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments