Tigil-pasada, generally peaceful – PNP

Pangkalahatang payapa ang naging tigil-pasada ng ilang transport groups sa iba’t ibang lugar sa bansa kahapon.

Ito ang naging pagtaya ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, naging maayos ang mga isinagawang kilos-protesta at aktibidad ng mga jeepney driver kahapon at wala silang naitalang untoward incident.


Gayunman, nananatiling nakaalerto ang PNP para sa isang buong linggong babala na tigil-pasada at nakahandang rumesponde sa mga emergency.

Ani Fajardo, mananatili ang kanilang libreng sakay para sa mga maaapektuhang mananakay.

Patuloy rin ang kanilang ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa anumang pangangailangan.

Facebook Comments