DAR Secretary Conrado Estrella III, nagbitiw na rin bilang suporta sa cabinet review ni PBBM

Nagsumite na rin ng kanyang pagbibitiw si Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III matapos ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maghain ng courtesy resignation ang kaniyang mga cabinet secretary.

Ani Estrella, bahagi ng kanyang tungkulin bilang lingkod-bayan ang pagsusumite ng kanyang pagbibitiw.

Ayon sa kalihim, ang cabinet review ay pagpapakita ng pangulo ng kaniyang layuning mas patibayin pa ang pamahalaan at matupad ang mga pangako ng administrasyon sa mamamayang Pilipino.

Facebook Comments