Naaresto ng awtoridad ang tukoy na Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Lingayen.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Lingayen Municipal Police Station, Chief-of-Police, PLtCol. Amor Mio Somine, nahaharap ito sa kasong acts of lasciviousness.
Nakilala ang suspek na isang 41 anyos na lalaki, construction worker at residente sa nasabing bayan.
Sa araw ng pagkakadakip nito ay pansamantalang dinala ito sa kustodiya ng Police Station para sa tamang disposisyon, bagamat sa ngayon, ay natransfer na ito sa Pangasinan Provincial Jail. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments