Arestado ang isang 23 anyos na lalaking construction worker matapos nitong tangayin ang isang motorsiklo sa Basista, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, isang ulat ukol sa insidente ng motornapping ang natanggap ng kanilang tanggapan na siyang agad nilang nirespondehan.
Tumambad sa mga ito ang suspek na hawak ng mga concerned citizen.
Narekober ng awtoridad mula sa suspek ang isang motorsiklo na tinangay umano ng suspek.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Basista Police Station ang naturang suspek para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments