Arestado ng mga awtoridad ang Top 2 Most Wanted Person sa municipal level sa Balungao, Pangasinan.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Balungao Municipal Police Station noong Oktubre 6, 2026, batay sa warrant of arrest laban sa 58 anyos na lalaking suspek na residente ng nasabing bayan.
Nahaharap ang suspek sa dalawang bilang ng Statutory Acts of Lasciviousness, na may inirekomendang piyansang ₱180,000.
Kasunod ng pagkakaaresto, dinala ang suspek sa kustodiya ng Balungao MPS para sa kaukulang disposisyon at pagpapatuloy ng legal na proseso.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office Officer-in-Charge Provincial Director Police Colonel Dennis L. De Leon, patuloy na paiigtingin ng kapulisan ang pagtugis sa mga wanted person, partikular sa mga nagtatago at hindi pa nahuhuli, bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









