TOP 3 MOST WANTED PERSON SA CAUAYAN CITY, BAGSAK NA SA KULUNGAN

Cauayan City, Isabela- Natimbog na ng mga otoridad ang itinuturing na top 3 most wanted person sa Lungsod ng Cauayan sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Sa pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng Cauayan City Police Station, Isabela Provincial Field Unit at 1st Isabela Provincial Mobile Force Company ay matagumpay na naaresto ang akusado na kinilalang si Joseph Macatunggal, dalawampung taong gulang, binata, estudyante at residente ng Brgy. Arcon, Tumauini, Isabela.

Si Macatunggal ay nahaharap sa kasong panggagahasa na kung saan ay walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya. Dinala na sa CIDG Isabela ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments