Tiniyak ng 71st Infantry Kaibigan Batallion ng Philippine Army ang seguridad at pagbabantay sa mga coastal areas sa lalawigan ng Pangasinan sa kabila ng nararanasang tensyon sa teritoryo sa karagatan lalo na sa usaping West Philippine Sea.
Sa naging session ng Sangguniang Panlalawigan, inihayag ni LTC Christopher Manimtim ang pinaigting na pagbabantay sa lahat ng coastal areas sa lalawigan sa tulong ng mga katuwang na ahensya at ng mga pamahalaang lokal.
Binigyang diin din nito ang dapat na pagkakaroon ng kaalaman ng mga Pangasinense pagdating sa usaping karapatan at teritoryo sa karagatang sakop.
Bunsod nito, nagkakaroon ng mga information campaign and dissimenation ang nasabing tanggapan upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga residente lalo na sa mga malalapit sa coastal area.
Bukod din dito, isa rin sa tinututukan ng 71st Infatry Kaibigan Batallion ang usapin sa insurgency at iba pang programang nakatuon sa kapakanan ng sakop na lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










