Trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa April 5 half day lang – Malakanyang

Hanggang alas-12:00 lang ng tanghali ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Miyerkules o April 5.

Ito ang inanunsyo ng Malakanyang bilang paghahanda sa paggunita ng panahon ng Semana Santa mula April 6 hanggang April 7.

Ipinauubaya naman ng Palasyo sa mga pribadong kompanya kung gagawin ring half day ang pasok ng mga empleyado.


Facebook Comments