Magdadagdag ng mga nakatalagang traffic enforcers at mga signages ang Public Order and Safety Office sa mga kakalsadahan sa Dagupan City para sa mas maayos na pagbabantay sa daloy ng trapiko.
Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, nagkaroon ng direktiba ang lungsod sa POSO Chief para dagdagan ang traffic enforcers na itinatalaga sa bawat sulok ng kakalsadahan upang mag-monitor sa mga nangyayari.
Ipinapagawa na rin umano ang mga karagdagang signages, hindi lamang sa mga pangunahing kalsada sa lungsod kundi maging sa mga barangay.
Samantala, nalagyan na ng mga kaukulang signages ang lahat ng lugar na may pedestrian lanes.
Kaugnay nito, nagbabala ang lungsod sa mga nagmomotorsiklo, lalo na sa mga nagsasakay ng kanilang mga anak, na mag-ingat at tiyaking nakasuot ng tamang safety gear upang maiwasang masita o mahuli. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








