
Nai-turnover na sa 10th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga nakumpiskang ipinagbabawal na bagay sa mga pantalan noong kasagsagan ng dagsa ng mga pasahero.
Sa datos ng Philippine Ports Authority (PPA), umabot sa 20,000 ang mga nakumpiskang ipinagbabawal na bagay sa pantalan gaya ng mga lighter, posporo, at butane.
Ang mga nakumpiskang bagay ay gagamitin ng mga tauhan ng Philippine Army sa kanilang mga operasyon sa high patrol areas.
Paraan din ito upang kahit papaano ay makatipid sa gastusin ang mga sundalo ng Philippine Army kung saan isa sila sa mga sinusuportahan ng PPA.
Ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng PPA sa Philippine Army ay patunay ng pagpapanatiling ligtas at maayos ang mga pantalan para sa mga pasahero, empleyado, stakeholders, at mga gumagamit nito.