Unang pagdinig ng Customs sa proseso ng pag-auction sa luxury cars ng mga Discaya, sisimulan na bukas

Sisimulan na ng Bureau of Customs (BOC) bukas, October 9, ang unang pagdinig sa proseso ng pag-auction sa luxury vehicles ng mga discaya.

Sa ambush interview sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, sinabi nito na target nilang tapusin ang proseso sa loob ng 90 araw.

Aniya, kung tutuusin maaari na silang maglabas ng desisyon matapos ang dalawang hearing kung hindi idedelay ng mga abogado ang proseso.

Nilinaw naman ni Nepomuceno na kahit mapatunayan na may malinis na mga dokumento ang luxury vehicles ng mga Discaya, aalamin din nila kung saan nanggaling ang perang pinambili ng mga mahahaling sasakyan.

Sa 30 luxury vehicles ng mga Discaya na hawak ng Customs, 13 dito ang may seizure order.

At kapag napatunayan na wala itong ligal na mga dokumento, isasailalim na ito sa forfeiture ng BOC at saka ipapa-auction.

Facebook Comments