UP, inilabas na ang resulta ng college applications para sa 2022-2023

64

Inilabas na ng University of the Philippines (UP) ang resulta ng mga aplikasyon para sa admission sa Academic Year 2022-2023.

Ayon sa UP Office of Admissions, hinihikayat nila ang mga aplikante na bisitahin ang application portal ng unibersidad batay sa time slot na naaayon sa unang titik ng kanilang apelyido.

Anila, maaaring makita ng mga aplikante ang resulta gamit ang kanilang username at password na ginamit sa kanilang aplikasyon.


Para naman sa mga nagpalit ng kanilang email, maaari silang mag-email sa upcollegeapplications.oadms@up.edu.ph o kontakin ang opisina sa kanilang Facebook page.

Facebook Comments