Incoming DSWD Sec. Erwin Tulfo, nangako na maging chief ‘on the ground’

85

Tiniyak ni incoming Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na siya ay magiging “secretary on the ground” at magiging micromanager pagdating sa disaster relief.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Tulfo na ilalapit niya sa mga nangangailangang komunidad ang mga tulong ng pamahalaan.

Aniya, magiging bukas din siya sa media lalo na’t isa ito sa magiging paraan para makita niya ang totoong nangyayari kapag may kalamidad.


Nangako rin si Tulfo na pag-aaralan niyang mabuti ang proseso sa pagbuo ng quick response team na maasahan 24 oras o bago pa tumama ang anumang kalamidad.

Facebook Comments