UPDATE │ Bagyong Odette, inaasahang lalabas na ng PAR mamayang gabi

Manila, Philippines – Nasa dagat pa rin ang severe tropical storm na si Odette. Ito ay namataan sa kanlurang bahagi ng Ilocos Norte.

Natagalan ang paglabas ni Odette sa PAR dahil magdamag itong hindi gumalaw. Sa ngayon ay gumagalaw na muli ito at kumikilos sa direksyong Hilagang Kanluran.

Inaasahang lalabas si Odette sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi.


Ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas ay nanakaranas pa rin ng katamtaman at pabugso bugsong pag-ulan.

Ang kondisyon sa dagat ay mapanganib pa rin sa Northern Luzon, sa Central Luzon at western at Southern Luzon.

Facebook Comments