US President Joe Biden, nagnegatibo na sa COVID-19

39

Nagnegatibo na sa COVID-19 sa ikalawang magkasunod na araw si US President Joe Biden matapos magpositibo nang sa virus.

Ayon sa White House Physician na si Dr. Kevin O’Connor, babalik na si Biden sa pagharap sa publiko at maaari nang bumiyahe.

Kahapon lamang ay pumunta ang world leader sa Rehoboth Beach sa Delaware upang pumunta sa kaniyang bahay-bakasyunan.


Matatandaang nagkaroon ng rebound sa COVID-19 si Biden matapos magpositibo muli sa virus noong July 30.

Facebook Comments