Walong lungsod sa bansa, nakapagtala ng higit sa 100 bagong kaso ng COVID-19; Pito rito, nagmula sa NCR

155

Walong lungsod sa bansa ang nakapagtala ng higit na 100 bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), pito rito ang mula sa National Capital Region (NCR) kung saan nangunguna pa rin ang Quezon City na may 287 new cases.

Tanging Davao City naman ang nakapagtala ng higit 100 kaso sa labas ng NCR na mayroon 106 na bagong kaso ng sakit.


Ilan pa sa mga nakapagtala ng 100 bagong kaso ay ang mga sumusunod:

• Taguig – 202
• Manila – 157
• Makati – 142
• Pasig – 127
• Parañaque – 121
• Las Piñas – 103

Mababatid na mula sa 4,621 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon ay 1,530 dito ay mula sa Metro Manila.



Facebook Comments