Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., naka-quarantine na rin matapos ma-expose sa mga positibo sa COVID-19

128

Inamin ngayon ni Vaccine Czar Secretary Carlito Glavez Jr., na naka-quarantine siya matapos na ma-expose sa mga kasamahan sa opisina na tinamaan ng COVID-19.

Sa ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte na inere kaninang umaga, sinabi ni Galvez na 15 miyembro ng kaniyang staff ang nagpositibo sa sakit.

Kasabay nito ay humingi rin ng paumanhin si Galvez kay Pangulong Duterte matapos na hindi makadalo sa personal na pulong kagabi ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Kinailangan niya kasing mag-isolate at abisuhan ang mga taong nakasalamuha.

Maliban kay Galvez, naka-quarantine rin ngayon sina Health Sec. Francisco Duque III at Defense Sec. Delfin Lorenzana na kapwa na-expose sa ilang may COVID-19.

Facebook Comments