Notorious violator na motoristang higit 300 beses dumaan sa EDSA busway, tutuntunin na ng MMDA

Sunod na tutuntunin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang notorious violator na motoristang 309 na beses na dumaan sa EDSA busway.

Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, ang naturang driver ay constituent o kalugar ng dating MMDA official sa San Mateo, Rizal.

Mula Agosto hanggang sa ngayon ay 300 beses siyang dumaan sa busway.

Siyam na beses itong dumaan matapos muling ipatupad ang No-Contact Apprehension Policy (NCAP) at posibleng ginagawa ito tuwing gabi para makaiwas sa hulihan.

Naisampa na rin ng MMDA sa Land Transportation Office (LTO) ang reklamo para ipakansela ang lisensiya ng naturang driver.

Posibleng umabot sa ₱150,000 ang multa ng driver o may-ari ng sasakyan.

Facebook Comments