Vendor, patay sa pamamaril sa Maynila

66

Patay na ng dalhin ang isang 37-anyos na vendor sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center matapos pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng Baseco Public Market sa Barangay 649 sa Port Area, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Jeffrey Lachica, na residente ng Barangay 649 sa Baseco Compound, Port Area.

Mabilis na nakatakas ang suspek na nakasuot ng pulang kapote.


Nabatid na biglang sumulpot ang suspek saka nito pinagbabaril ang biktima.

Ilang tambay sa lugar ang nagtulong-tulong na maisugod ang biktima sa nasabing pagamutan, subalit idineklara itong patay ng mga doktor.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril habang inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng suspek.



Facebook Comments