Dalawang hinihinalaang drug pusher, arestado sa Taguig City

45

Timbog sa mga otoridad ang dalawang hinihinalaang tulak sa iligal na droga matapos na maaresto sa isinagawang buybust operation sa Faculty St. Brgy. Sta. Ana, Taguig City.

Kinilala ng mga suspek na sina Freddie Madrazo Jr., 41 anyos at Irene Antazo 44 anyos.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Taguig PNP, nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa naturang mga suspek.


Narekober sa mga suspek ang humigit kumulang 15.7 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱106,760.00, kulay yellow coin purse, at ₱300.00 buybust money.

Paglabag sa Republic Act (R.A) 9165 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments