BUSINESS CONTINUITY PLAN NG MGA MSMEs SA PANGASINAN, TINALAKAY

Sumabak sa seminar at workshop ukol sa Business Continuity Plan ng Department of Trade and Industry Region 1 ang ilang negosyante sa Pangasinan na kabilang sa Micro, Small, and Medium Enterprises o MSMEs.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay DTI Regional Director Merlie Membrere, mainam na may nakahandang Business Continuity Plan ang bawat establisyimento upang maiwasan ang pagkalugi dahil sa mga hindi inaasahang kalamidad o pandemya.

Tinalakay din ang ang wais na paggamit ng Artificial Intelligence sa pagnenegosyo bilang gabay sa digitalization ng mga produkto.

Sa pamamagitan ng seminar, umaasa ang tanggapan sa kaunlaran ng bawat MSMEs sa pagsusulong ng mga local products. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments