VP Leni, pinakamaraming nagawa sa lahat ng naging bise presidente

Si Vice President Leni Robredo ang pangalawang pangulo ng bansa na may pinakamaraming nagawa sa kabila ng limitadong mandato at pondo.

Ito ang ipinagmalaki ng tagapagsalita niyang si Atty. Barry Gutierrez sa gitna ng pangungutya ng ibang kampo na wala raw umanong ambag si Robredo bilang bise presidente.

Ayon kay Gutierrez, saksi rito ang milyon-milyong Pilipinong natulungan ni VP Leni sa ilalim ng flagship anti-poverty program na Angat Buhay at sa COVID-19 response operations ng OVP.


Dagdag pa rito ang libreng teleconsultation services sa Bayanihan E-Konsulta, libreng COVID-19 testing sa Swab Cab, iba pang tulong sa medical frontliners at pagtatayo ng Community Learning Hubs.

Facebook Comments