Pagbabanta at pagdadala ng baril habang nangangampanya ang isang kandidato sa Pampanga, inireklamo sa Comelec

Inireklamo sa Comelec ang umano’y pagbibitbit ng baril at pagbabanta sa mga tagasuporta ng kanyang kalaban sa politika si Patrol Party-list Representative Jorge Antonio Bustos na ngayon ay tumatakbo na kongresista sa ika-apat na distrito ng Pampanga.

Isang barangay kagawad na alyas “Biya” ang naghain ng reklamo sa tanggapan ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia kung saan nakuhanan pa ng video nang siya ay pagbantaan ni Bustos sa isang campaign sa barangay Palimpe sa bayan ng Masantol noong nakaraan.

Lalo raw natakot si “Biya” dahil nagbibitbit pa ng baril si Bustos habang nangangampanya kung saan bukod dito ay may ilan pang residente ng Masantol ang nagreklamo na rin sa pulisya dahil umano sa pagbabanta ng ilang mga tauhan ni Bustos.

Kaugnay ng insidenteng ito ay hiniling na rin nila na isailalim sa Comelec Control ang mga bayan ng Masantol, Apalit at Sto. Tomas dahil sa mga ulat ng pangha-harass ng ilang mga armadong grupo rito.

Hanggang sa ngayon ay nananatili namang tahimik at hindi naglalabas ng pahayag si Bustos hinggil sa naturang mga reklamo.

Facebook Comments