SUBPOENA POWERS | Karapatang makapag-isyu ng subpoena, malaking tulong sa imbestigasyon ng CIDG

Manila, Philippines – Malaking tulong sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagbibigay ng karapatan na mag isyu ng subpoena.

Ito ang sinabi ni PNP CIDG Chief Police Director Roel Obusan matapos na bigyan sila ng subpoena powers ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Obusan – sa ngayon mas mapapabilis na ang pag-iimbestiga nila ng kaso.


Maari na aniya ngayong maglabas ng subpoena, hindi lamang siya bilang director ng PNP CIDG sa halip maging ang PNP Chief at deputy for administration ng CIDG.

Sinabi naman ni Police Supt. Joseph Orsos ang chief ng legal division ng CIDG na may kaukulang parusa ang subject ng subpoena sakaling balewalain ang kanilang iisyung subpoena

Nabatid na tanging ang NBI, PDEA, SEC, BIR, DENR, AMLC ang may kapangyarihan maglabas ng subpoena.

Facebook Comments