WALANG PAKIALAM │ Pangulong Duterte, dedma sa bumabang trust at satisfaction ratings

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang pakialam sa mga lumabas na trust at satisfaction ratings.

Sa kanyang speech sa masskara festival sa Bacolod City, sinabi ng pangulo na matagal na niyang nakuha ang kanyang ratings noon pang eleksiyon kung saan nakakuha siya ng labing anim na milyong boto.

Matatandaang bumaba ng 18 points ang net satisfaction ratings ni Duterte base sa huling survey ng Social Weather Station habang ayon sa pulse Asia, napanatili ng pangulo ang kanyang mataas na approval at trust ratings.


Samantala, bago pa man dumating ang pangulo sa Bacolod City ay nagkagirian ang mga pulis at raliyista na gustong makalapit sa Bacolod public plaza para sa pagdating ng pangulo.

Gusto kasing singilin ng grupong Bayan-Negros ang pangulo sa mga pangako nitong hindi pa raw natupad gaya ng kontraktwalisasyon at peace talks.

Sa kabila nito, naging matagumpay pa rin ang nasabing pagdiriwang.

Facebook Comments