Walo, patay habang 38 ang dinakip matapos salakayin ng mga armadong lalaki ang dalawang simbahan sa Nigeria

134

Patay ang walong katao habang 38 ang dinakip matapos salakayin ng mga armadong kalalakihan ang dalawang simbahan sa hilagang bahagi ng Kaduna sa Nigeria.

Ayon sa mga otoridad, naganap ang pag-atake noong Linggo habang nagsasagawa ng morning service ang isang Catholic at Baptist church.

Dalawang linggo ang nakakalipas ay sinalakay rin ng mga armadong lalaki ang St. Francis Catholic Church sa bahagi ng Owo sa Nigeria kung saan 40 katao ang pinatay.


Ayon sa Nigerian government, pinaghihinalaan nito ang grupong Islamic West Africa Province (ISWAP) ngunit hindi pa ito inaako ng grupo sa ngayon.

Facebook Comments