WATER SUPPLY PIPE LAYING PROJECT, ISINASAGAWA SA BRGY. TRENCHERA, TAYUG

Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Tayug ang pagpapalawak ng access sa maayos at maaasahang suplay ng tubig sa pamamagitan ng isinasagawang Water Supply Pipe Laying Project sa Barangay Trenchera.


‎Makatutulong umano ang proyekto na mapabuti at mapalawak ang access ng mga residente sa suplay ng tubig bilang tugon sa pangunahing pangangailangan ng komunidad.


‎Bahagi ito ng patuloy na mga hakbang ng pamahalaang lokal na nakatuon sa pagpapatupad ng mga proyektong makatutulong sa pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga residente tulad na lamang sa nasabing barangay

‎Sa ngayon ay patuloy ang pagpapatupad ng nasabing proyekto at inaasahang makatutulong sa mga residente sa barangay sa oras na matapos ang pagsasagawa nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments