PRELIMINARY SHOW NG MISS PEARL OF THE ORIENT PHILIPPINES 2026, INILIPAT SA PILGRIM CENTER SA MANAOAG DAHIL SA MASAMANG PANAHON

Hindi na sa Rizal Park ng bayan ng Manaoag gaganapin ang Preliminary Show ng Miss Pearl of the Orient Philippines 2026 matapos ilipat ang venue ng programa dahil sa masamang kondisyon ng panahon.

Sa Manaoag Pilgrim Center, Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag na ngayon idaraos ang preliminary show sa Agosto 11, alas-7 ng gabi.

Ayon sa mga organizer, isinagawa ang pagpapalit ng venue para sa kaligtasan ng mga kandidata at mga dadalo sa programa sa gitna ng masamang panahon.

Matatandaang una nang inanunsyo ang paggaganapan nito sa bagong gawang Rizal Park ng bayan.

Bahagi ng preliminary show ang pagtatanghal ng mga kandidata na magtatampok sa culture at heritage ng Pilipinas.

Base sa anunsyo, libre ang admission sa programa, na pinangunahan ng Oriental Beauty Philippines Charities Inc. at Local Government Unit of Manaoag, katuwang ang kanilang mga partner agencies. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments