PAGLIPAT NG MGA VENDOR SA BAGONG MANAOAG PUBLIC MARKET, SINIMULAN NA

Sinimulan na ng mga vendor sa Manaoag ang paglipat sa kanilang mga bagong pwesto sa bagong public market ng bayan.

Kabilang sa mga unang lumipat ang mga nagtitinda ng karne na abala na sa pag-aayos ng kanilang mga stalls bilang paghahanda sa pagpasok ng mga mamimili.

Ayon sa lokal na pamahalaan, idinisenyo ang bagong pamilihan upang maging mas malinis, maayos, at organisado, habang nagbibigay ng mas ligtas at komportableng kapaligiran para sa mga vendor at publiko.

Upang matiyak ang patas na distribusyon ng mga pwesto, isinagawa ang draw lots sa lahat ng kwalipikadong vendor bago ang aktuwal na paglipat.

Naglaan din ang pamahalaang lokal ng mga espasyo para sa mga ambulant vendor at terminal area para sa mga tricycle upang maging mas maayos ang daloy ng mga mamimili at transportasyon sa paligid ng pamilihan.

Inaasahan ng LGU na makatutulong ang bagong public market sa pagpapabuti ng kalakalan at serbisyo sa mga residente ng Manaoag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments