Philippine Coast Guard, naka-alerto na sa Bagyong Karding

133

Nakahanda na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa posibleng epekto ng Bagyong Karding partikular sa Ilocos Norte.

Naka-alerto na rin ang lahat ng Coast Guard deployable response groups (DRGs) at quick response teams (QRTs) sa Ilocos Norte.

Layon nito na makapagresponde agad sakaling magpatupad ang LGU ng evacuation o rescue operation.


Ngayong gabi, inaasahang magtataas ng signal ang PAGASA sa Northern Luzon.

Facebook Comments