
Arestado ang isang high-value individual (HVI) matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱1M sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Nalsian, Calasiao, Pangasinan noong Abril 8, 2026.
Sa isinagawang operasyon ng Calasiao Municipal Police Station (MPS) at PDEA Region 1 sa bisa ng warrant of arrest, nahuli ang isang 39-anyos na lalaking kinilala bilang laborer, at residente ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nasamsam ang tinatayang 149.1 gramo na may tinatayang halaga na ₱1,013,880.
Bukod sa iligal na droga, nasamsam din ang iba’t ibang ebidensya kabilang ang mga perang ginamit, isang kalibre .38 na baril, 16 bala, isang 9mm na bala at ilan pang kagamitang may kinalaman sa ilegal na droga.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, gayundin sa illegal possession of firearm at ammunition. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










