Thursday, May 14, 2026

₱50 price cap sa imported rice, epektibo na sa ilalim ng EO 118

Inilabas na ng Malacañang ang pormal na kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagtatakda ng P50 kada kilo na price ceiling sa imported na bigas.

Sa ilalim ng Executive Order No. 118, ipatutupad ang price cap sa buong bansa sa loob ng 30 araw, maliban kung mas maagang alisin ng pangulo base sa rekomendasyon ng National Price Coordinating Council (NPCC).

Magsasagawa rin ang NPCC ng review kada 15 araw upang malaman kung dapat ipagpatuloy, baguhin o alisin ang price ceiling depende sa sitwasyon sa merkado.

Inatasan naman ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na tiyaking mahigpit na naipatutupad ang price cap at mabantayan ang posibleng overpricing.

Pinakikilos din ang Philippine Competition Commission laban sa cartel at iba pang pang-aabuso sa presyo ng bigas.

Facebook Comments