
Cauayan City – Sa patuloy na nararanasang krisis sa presyo ng produktong petrolyo, apektado rin ang mga food carts sa Cauayan City dahilan upang manawagan rin ng tulong sa pamahalaan.
Sa pakikipanayam ng iFM Newsteam kay Benjamin Manaligod, may-ari ng street paresan, linahad niyang nakaramdam siya ng paghihirap dahil bahagyang kumonti ang kanyang kita sapagkat gasul at gasolina ang gamit niya sa pagtitinda.
Dagdag pa niya, sana ay mabigyan din sila ng ayuda dahil gaya ng mga pampublikong sasakyan, nag-iikot din sila para mag benta at nagbabayad din sila ng buwis.
Samantala, nananawagan naman si Ginoong Jomicheal Dagon sa mga namamahala sa vendors. Aniya, dapat magbigay ng ayuda sa mga nararapat mabigyan gaya ng mga may permit at hindi sa mga bogus vendors.
Sa huli ay nagbigay siya ng paalala sa mga kapwa street vendors na magtulungan at magmahalan at hindi nagbabangayan sa pwesto.










