Sunday, May 17, 2026

𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗥𝗠𝗔𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗞𝗢 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗔𝗖𝗧 𝗡𝗚 𝗖𝗧𝗚

Cauayan City — Boluntaryong isinuko ng isang hinihinalang contact ng communist terrorist group o CTG ang ilang matataas na kalibre ng armas at mga bala sa isinagawang peace and security operation ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army sa Cagayan noong gabi ng ika-15 ng Mayo.
Kabilang sa mga isinuko ang isang improvised shotgun, improvised carbine rifle na may magazine at bala, improvised pistol, at mga high-explosive rifle grenade.
Pinangunahan ng Military Community Support Sustainment Team o MCSST sa ilalim ni Sgt. Ronnie Dangiwan ng Alpha Company ang operasyong isinagawa.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng militar ang mga isinukong armas at bala para sa tamang dokumentasyon at pagsusuri.
Facebook Comments