Saturday, May 2, 2026

𝗖𝗒π—₯𝗑 𝗙𝗔π—₯π— π—˜π—₯𝗦 𝗦𝗔 π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— π—‘π—š 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑, π—§π—¨π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—§π—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—žπ—”π—•π—¨π—›π—”π—¬π—”π—‘

Cauayan City – Bilang tulong sa mga corn farmers sa Lungsod ng Cauayan na apektado ng tag-init, isinagawa ang distribusyon ng tulong pangkabuhayan kahapon, May 1, 2026 sa FLDY Coliseum.
β€Ž
β€ŽDumalo sa naturang programa si DSWD Regional Director Lucia Suyu-Alan kung saan binigyang-diin niya na kanilang mandato na tumulong sa mga mamamayan na nakakaranas ng hirap at humaharap sa kalamidad, lalo na’t itinaas ang lalawigan sa State of Calamity.
β€Ž
β€ŽNasa P3.8-M ang naturang halaga ng ipinamahagi kung saan tumanggap ng mahigit P10-K ang mg corn farmers sa lungsod.
β€Ž
β€ŽMalaki naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo katulad ni Rex Zingapan, Corn Farmer mula sa Brgy San Luis kung saan sinabi nitong magagamit niya ang nakuhang tulong pambili ng gamit ng kanyang anak.
β€Ž
β€ŽSamantala, sa naging panayam ng IFM NEWS TEAM kay Engr. Ricardo Alonzo, Cauayan City Agriculturist, sinabi nito na ang mga corn farmers na hindi napabilang o nakakuha ng livelihood assistance ay kanilang magiging priority sa kanilang corn at seed distribution program.

Facebook Comments