
Aabot sa katumbas na 177 million pesos o 454 million yen ang halaga ng tulong na ipinagkaloob ng bansang Japan para sa “Project for Promoting Human Security through the Community Economic Development and Livelihood Initiatives” sa BANGSAMORO Region.
Pangangasiwaan at ipatutupad ito ng United Nations Development Program sa loob ng talong taon, kung saan ang proyekto ay inaasahang lilikha ng mga programang pangkabuhayan para sa mga kababaihan, kabataan, at mga katutubo sa mga pinakamahirap na komunidad sa rehiyon.
Habang ang BARMM ay patuloy na sumasailalim sa transition at sa BANGSAMORO parliamentary election sa darating na Oktubre 2025.
Sinelyuhan ito sa isang seremonya na dinaluhan ni Japanese ambassador to the Philippines Endo Kazuya, Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Carlito G. Galvez Jr. at ilang representative mula sa BARMM Minister for Interior and Local Government.