
Hinimok ni acting Senate President at Senate President pro-tempore Win Gatchalian na gamitin ng gobyerno ang ₱180 billion available funds sa ilalim ng 2026 national budget para sa reconstruction at pantulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangan sa agarang paggamit ng natitirang ₱17.898 billion sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) na pangunahing funding source para sa disaster response, relief, rehabilitation, reconstruction, at recovery efforts.
Nakapaloob din sa P180 billion ang higit ₱32 billion sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF)–Financial Assistance to Local Government Units, halos P16 billion na Contingent Fund at higit ₱8 billion na Quick Response Fund ng iba’t ibang mga ahensiya.
Kasama rin sa natitirang pondo ang para sa social services.
Samantala, hinihintay pa ng Senado ang magiging assessment ng executive branch sa sitwasyon sa Mindanao para matukoy kung kakailanganin pa bang manghingi ng special session para makapagpasa ng supplemental budget para sa rehabilitasyon at reconstruction ng Mindanao.










