
Inilunsad ngayong Lunes, Abril 27, ang benteng bigas sa lungsod ng Dagupan upang ipaabot sa mga residente ang murang bigas.
Isinagawa ang distribusyon mula alas-7 ng umaga hanggang sa maubos ang suplay.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng programa ang mga residente mula sa mga barangay ng Herrero Perez, Mayombo, Caranglaan, Bacayao Sur, at Bacayao Norte.
Prayoridad na mabigyan ang mga senior citizen, solo parents, persons with disabilities (PWDs), indigent households kabilang ang 4Ps beneficiaries, pati na rin ang mga magsasaka, mangingisda, at mga tsuper ng jeepney at tricycle.
Ayon sa local na pamahalaan, kinakailangan ang wastong pagkakakilanlan tulad ng mga ID na inisyu ng kani-kanilang ahensya upang matiyak ang maayos at patas na pamamahagi ng bigas.
Layunin nitong masigurong makarating ang tulong sa mga tunay na nangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










