
Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng ₱56.3 bilyong inaasahang pamumuhunan mula sa mga Japanese investors na inaasahang lilikha ng 10,300 na trabaho sa Pilipinas.
Saklaw ng mga bagong proyekto ang shipbuilding, semiconductors, advanced electronics, AI technologies at green maritime industries.
Kabilang dito ang pagpapalawak ng shipbuilding operations ng Tsuneishi sa bansa na mag-aangat sa Pilipinas bilang ikaapat na pinakamalaking shipbuilding nation sa mundo, kasunod ng China, Japan at South Korea.
Inanunsyo rin ng Sumitomo Electric ang ₱4.3 bilyong expansion project para sa bagong pasilidad sa Cabuyao, Laguna na gagawa ng flexible printed circuits na ginagamit sa electric vehicles, AI at telecommunications.
Samantala, magpapalawak din ng operasyon ang Furukawa Electric at MinebeaMitsumi para sa paggawa ng semiconductors, data center components at iba pang high-tech electronic products sa Laguna at Cebu.










