Umabot sa ₱915,000 na ayuda ang ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng San Nicolas sa 470 benepisyaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Isinagawa ang pamamahagi sa pangunguna ng pamahalaang lokal bilang bahagi ng patuloy na social assistance program para sa mga residenteng nangangailangan.
Sa kabuuang bilang, 76 ang tumanggap ng burial assistance na nagkakahalaga ng ₱235,000, habang 394 naman ang nabigyan ng medical assistance na umabot sa ₱680,000.
Ayon sa tanggapan, layunin ng programa na magbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga residenteng nahaharap sa iba’t ibang uri ng krisis. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










