LALAKING TATAWID SANA SA ILOG, PATAY MATAPOS MALUNOD SA BAYAN NG MANGALDAN

38

MANGALDAN, PANGASINAN – Patay ang isang kwarentay kwatro anyos na lalaki matapos itong malunod nang subukang tumawid sa ilog sa bayan ng Mangaldan.

Ang biktima ay kinilalang si Geoffrey Delin, Residente ng Brgy Banaoag West sa nasabing bayan.


Sa imbestigasyon ng PNP, nag-iinuman ang biktima at ilang mga kaibigan nito nang magpasya itong tawirin ang ilog kasama ang isang kaibigan.

Sa kasamaang palad ay napunta ang mga ito sa malalim na bahagi kung saan ay nakaligtas ang kaibigan nito subalit naiwan si Delin.

Pagkatapos ng ilan pang sandali ay nakita na ang katawan nito at agad isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments