
CAUAYAN CITY β Patuloy na ipinatutupad ng Commission on Higher Education o CHED ang Scholarships for Instructorsβ Knowledge Advancement Program o SIKAP upang masuportahan ang patuloy na pag-aaral ng mga guro at kawani ng mga kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Layunin ng SIKAP Program na mabigyan ng pagkakataon ang teaching at non-teaching personnel ng Higher Education Institutions o HEIs na makapagpatuloy ng masteral at doctoral studies.
Sa ilalim ng programa, maaaring makatanggap ang mga kwalipikadong iskolar ng tulong-pinansyal para sa tuition fees, allowances, research support, at iba pang gastusin sa pag-aaral.
Sa panayam ng IFM News Team kay CHED Commissioner na si Ricmar Aquino, sinabi nitong malaking tulong ang programa upang higit pang mapahusay ang kakayahan ng mga guro at kawani sa mga Higher Education Institutions.
Sa pamamagitan ng programa, mas maraming educators mula sa ibaβt ibang rehiyon ang nagkakaroon ng oportunidad na makapagpatuloy ng pag-aaral sa ilalim ng scholarship grant.
Naniniwala ang CHED na sa pamamagitan ng SIKAP Program, mas mapapalakas ang kakayahan ng mga guro at kawani na magreresulta sa mas mataas na antas ng edukasyon para sa mga estudyanteng Pilipino.










