๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—จ๐—•๐—จ๐—ก๐——๐—จ๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฆ

Nagbanggaan ang dalawang sasakyan sa Center Road sa kahabaan ng Villa Verde Road, San Nicolas.

Magkaibang direksyon ang tinatahak ng dalawang sasakyan, paakyat ng bulubunduking bahagi ang van na minamaneho ni Barrientos Sarandi lulan ang tatlo pang kasamahan na pawang nagtatrabaho bilang handler ng manok panabong habang pababa naman ang luxury car na minamaneho ni Peter Wilson, isang British national.

Sementado ang naturang daan at tirik ang araw nang naganap ang aksidente. Nang magkasalubong umano ang dalawang sasakyan sa kurbang bahagi ng daan, aksidenteng nagbanggaan ang mga ito sa center road.

Sa kabutihang palad ay wala namang nasugatan sa pangyayari, ngunit nasa kustodiya ng PNP San Nicolas ang dalawang sasakyan na parehong nagtamo ng pinsala. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments