Monday, May 25, 2026

𝗡𝗜𝗧𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗬𝗨𝗠𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗫-𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗔𝗥𝗥𝗜, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡

Cauayan City – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya matapos sirain at buksan ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang nitso ng yumaong dating Vice Mayor ng Aparri na si Rommel Alameda sa isang sementeryo sa Cagayan.

‎Ayon kay Isadel Alameda, kapatid ng dating opisyal, may ilang residente umano ang nakarinig ng tunog ng pagbabakbak sa sementeryo noong gabi ng Mayo 21.

Agad itong ini-report sa mga opisyal ng barangay ngunit wala nang naabutang suspek nang dumating ang mga awtoridad.

‎Nadiskubre kinabukasan ng pamilya na bukas at sira na ang puntod ng dating bise alkalde.

‎Hinala ng mga kaanak, posibleng pagnanakaw ang motibo ng insidente matapos mapansing may ilang gamit na nawawala mula sa loob ng nitso.

‎Nanawagan naman ang pamilya Alameda sa publiko na tumulong sa imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable.

‎Naglaan din sila ng ₱10,000 na pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon kaugnay sa insidente.

Facebook Comments